Hustisya sa OFW na binuhusan ng kumukulong tubig tiyakin - Villar
MANILA, Philippines - Pinatitiyak ni Senator Cynthia Villar sa Department of Foreign Affairs (DFA) na mabibigay ang hustisya sa 22-anyos na OFW na binuhusan ng kumukulong tubig ng kanyang amo sa Saudi Arabia.
Ayon kay Villar, dapat lamang na gawin lahat ng DFA ang paraan para makamit ni Candice AlaÂgasi ang katarungan matapos magtamo ng second-degree burns.
Sinabi ni Villar na dapat ibigay ng DFA ang pinakamagaling na abogado kay Alagasi na minaltrato ng kanyang amo dahil hindi lamang niya nabigyan ng kape.
“I ask the DFA to use the Legal Assistance Fund and get the best lawyers who will give Candice the justice she deserves,†sabi ni Villar.
Dapat din igiit ng Department of Labor and Employment ang probisÂyon sa bilateral labor agreement na nilagdaan ng Pilipinas at labor miÂnistry ng Saudi.
Maliwanag aniyang nagkaroon ng paglabag sa karapatang pantao ng OFW at marapat lamang na mapanagot ang amo nito.
- Latest