MANILA, Philippines - Isang Pilipino ang pinatawan ng isang Doha Criminal Court sa Qatar ng parusang bitay habang dalawa niyang kababayan ang sinentensiyahang makulong habambuhay makaraang mapatunaÂyang nagkasala sa kasong espionage.
Ito ang nabatid sa mga ulat ng mga pahayagang lokal sa Qatar na The Peninsula at Gulf Times batay umano sa isang artikulo sa lokal na Arabic daily na Arrayah.
Kinasuhan ang tatlong Pilipino dahil sa umano’y intelligence communication sa isang dayuhang bansa para maminsala sa pambansang seguridad ng Qatar.
Sinabi ng korte sa sentensiya nito na ang mga akusado ay nagpadala sa isang second party ng mga military at economic information na may kaugnayan sa Qatar Armed Forces at sa isang kumpanyang Qatari.
Meron umanong kinaÂlaman ang naturang impormasyon sa mga eropÂlano at tanke bukod pa sa detalye ng investment project ng isang malaking kumpanya at sa panghinaharap nitong kontrata.
Ayon sa ulat, ang uÂnang akusado (hindi binanggit ang pangalan) ay nagtatrabaho sa Filipino state security kasabay ng pagtatrabaho bilang budget at contract supervisor ng isang malaking kumpanyang Qatari.
Sinabi ng korte na ang unang akusado ay nagÂligwak ng impormasyon hinggil sa Emiri Air Force at sa military base at iba pang sensitibong impormasyon sa kanyang mga kontak. Tumanggap umano siya ng malaking pera bilang kapalit o suhol ng mga kumpanyang pinagbigyan ng impormasyon.
Bukod dito, nakakuha siya ng military information mula sa pangalawa at pangatlong akusadong Pilipino na nagtatrabaho bilang technician ng Qatar Emiri Air Force,†dagdag sa ulat.
Naganap ang krimen noong 2009 at 2010, ayon sa korte. Hindi binanggit kung anong dayuhang bansa ang pinagbibigyan ng sensitibong imporÂmasyon ng mga akusado.
Samantala, sinabi ni Philippine Ambassador Crescente Relacion na ang kaso ng tatlong Pilipino ay iniapela na sa Appellate Court at gaganapin ang unang pagdinig sa Mayo 26. Kung hindi sila makakakuha ng paborableng desisyon, makakapaghabol sila sa Court of Cassation o Supreme Court.