2 pang OFW utas sa MERS-CoV

MANILA, Philippines — Umakyat na sa limang overseas Filipino worker (OFW) ang nasawi dahil sa Middle East Respiratory Coronavirus (MERS-CoV) ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) ngayong Huwebes.

Sinabi ni DFA Spokesman Charles Jose na dalawa ang bagong nasawi sa naturang sakit sa na kapwa nagtatrabaho Jeddah, Saudi Arabia.

Nasawi ang dalawa noong Mayo 12 at Mayo 18, dagdag ni Jose.

"Our consulate is rendering assistance to their next of kin and their families have already been notified," sabi ni Jose na kahit kasarian ng dalawang biktima ay hindi ipinaalam.

Aniya inaasikaso na ng gobyerno ang mga benepisyong makukuha ng mga naiwang pamilya ng dalawang biktima.

Napag-alamanang sa hospital nagtatrabaho ang tatlong Pinoy na unang nabiktima ng sakit.

Hindi pa rin naglalabas ng travel ban ang Pilipinas sa Saudi Arabia ngunit nagbabala sa publiko na mag-ingat sa nakamamatay na sakit.

Show comments