100 iskolar mula Leyte pumirma sa kontrata sa SM Foundation
MANILA, Philippines - Malugod na ipinakita ng 100 scholars mula sa Tacloban City at ibang munisipalidad sa Leyte ang kanilang kontrata sa SM Foundation para libreng makapag-aral ng 4-5 taong kurso sa kolehiyo. Ang mga mapalad na estudyante ay mag-aaral sa Leyte Normal University, UP-Tacloban, St. Paul’s School of Law & Accountancy at Eastern Visaya’s State University.
Ang mga scholars na ito ay pawang mga biktima ng Bagyong Yolanda at karamihan sa kanila ay nawalan ng pamilya at nasalanta ang kabuhayan. Isa si Joy Tan Piengco na masuwerteng nabiyayaan ng scholarship at hindi makapaniwalang makakapasok dito dahil wala siyang nakuhang suporta mula sa mga magulang. Abala aniya ang kanyang mga magulang sa pagkukumpuni ng kanilang nawasak na tahanan. Gaya ng iba pang mga estudyante gaya nila Welen Balbuena at Kristoval Bueno, itinutuÂring nilang malaking biyaya sa kanila ang mapagkalooban ng libreng pag-aaral ng SM Foundation dahil isang susi sa tagumpay ng buhay ang makatapos sila ng kanilang pag-aaral.
- Latest