MANILA, Philippines - Ang Global Finance, isang pangunahing pahayagan na pangnegosyo at pananalapi na may himpilan sa New York, ay binansagan ang BDO Unibank (BDO) bilang isa sa pinakamagaling na bangko sa umuusbong na merkado sa Asya-Pasipiko para sa 2014. Kasama ng BDO sa listahan ang ibang mga prominenteng bangko mula sa iba’t-ibang bansa.
Ang mga itinanghal ay napili ng mga taga-pamanugot ng Global Finance kasama ng mga industry analysts, corporate executives at banking consultants, batay sa mga criteria gaya ng growth in assets, profitability, strategic relationships, customer service, competitive pricing, at innovative products.
“Bilang nahaharap sa mabagal na pag-unlad at pabagu-bagong merkado, ang mga bangkong ito ay maituturing na star performers sa kabila ng pagdami ng mga mapanghamong kundisyon,†ani Joseph D. Giarraputo, tagapaglathala at direktor ng patnugutan ng Global Finance, sa kanyang pahayag. “Ang mga bangko na pinaparangalan ng Global Finance ay maaaring hindi ang pinakamalaki o pinakamatagal na institusyon ngunit sila ang pinakamagaling sa pagdadala ng kanilang mga produkto at iba pang handog sa mga tiyak na merkadong kanilang pinaglilingkuran.â€