MANILA, Philippines - Pinayagan ng Pasig City court ang umano’y NPA leader na si Andrea Rosal na makadalo sa burol ng kanyang sanggol na nasawi dalawang araw matapos niya itong isilang sa Philippine General Hospital (PGH).
Gayunman, tatlong oras lamang o mula alas-2:00 ng hapon hanggang alas-5:00 ng hapon ngayong Miyerkules ang ibinigay sa kanya ni Pasig Regional Trial Court Branch 266 Judge Toribio Ilao upang makapiling sa huling sandali ang kanyang sanggol.
Hindi rin naman pinayagan ng hukuman si Rosal, na anak ng yumaong si NPA spokesperson Gregorio “Ka Roger†Rosal, na makadalo sa libing ng kanyang anak sa Mayo 22 sa Ibaan, Batangas dahil maituturing umanong high risk area ang Ibaan, na siyang hometown ng suspek
Si Rosal, na noon ay pitong buwang buntis ay inaresto sa Caloocan City noong Marso 27 at idinetine sa Bureau of Jail Management and Penology special intensive care area sa Camp Bagong Diwa, Taguig sa kasong kidnapping with murder dahil sa pagdukot at pagpatay sa isang sundalo at isang lalaki sa Laguna noong 2007.