Senate inquiry sa Malampaya funds, ipinagpaliban

MANILA, Philippines - Ipinagpaliban ng Senate Blue Ribbon Committee ang nakatakdang imbestigasyon sa Huwebes sa kontrobersiyal na Malampaya funds scam.

Ayon sa advisory na ipinalabas ng tanggapan ni Senator Teofisto “TG” Guingona, chairman ng komite, sa ibang araw na lamang itutuloy ang nakatakdang imbestigasyon dahil sa kawalan ng resource person mula sa Commission on Audit (CoA).

Sinabi pa ng komite na ihahayag na lamang nila kung kailan gagawin ang imbestigasyon sa sinasabing korupsiyon na nangyari sa paggamit ng Malampaya funds.

Nauna rito, sinabi ni Guigona na hihintayin muna ng kanyang komite ang affidavit ni Janet Lim-Napoles, ang itinuturong utak sa pork barrel fund scam.

 

Show comments