MANILA, Philippines - Meron umanong conflict of interest sa panunungkulan ng dean ng University of Santo Tomas Faculty of Law na si Atty. Nilo Divina bilang miyembro ng United Coconut Planters Bank board of director at ng pagsisilbi niyang abogado ng naturang banko.
Ito ang binitiwang akusasyon ni Atty. Oliver San Antonio, isang guro ng Legal Ethics, private law practitioner at dating Chairperson ng UP University Student Council.
“Bilang kasapi ng Board ng UCPB, si Divina ang nag-aapprove sa pagkuha ng serbisyo ng external counsel o abogado ng bangko. Isa rin siya sa mga nagdedesisÂyon kung magkano ang legal fees nito,†ayon kay San Antonio.
Bilang bahagi ng UCPB Board ay kinuha umano ni Dean Divina ang serbisyo ng sarili nitong law firm.
“Ngayon, hindi lamang ito sumusuweldo bilang kasapi ng UCPB Board, kumakamal din ito sa serbisyo bilang abogado ng nasabing bangko,†paliwanag ni Antonio na nagtapos ng abogasya sa UP.
Ang pagkakaluklok ni Divina sa UCPB Board bilang kinatawan ng PCGG ay naaprubahan ni Pangulong Aquino noong January 2011. Si Divina ang nagtatag ng Divina Law firm at siyang managing partner ng nasabing tanggapan. Isa sa mga corporate clients na nakalista sa website ng nasabing law firm ay ang UCPB Savings Bank na isang subsidiary sa ilalim ng UCPB. Noong isang taon, idineklara ng Korte Suprema na ang mayorÂyang pagmamay-ari ng UCPB ay sa gobyerno.
Mariing tinuran ni San Antonio na bilang opisyal ng gobyerno at kasapi ng Philippine Bar, masasakdal si Divina sa paglabag sa Republic Act No. 6713 na kilala din bilang “Code of Ethical Standards for Public Officials and Employees†kasabay ng angkop na habla sa paglabag nito sa Integrated Bar of the Philippines’ Code of Professional Responsibility.