MANILA, Philippines - Nangangamba ang grupo ng mga kababaihan na lumalim ang ugat ng problema sa prostitusyon dahil sa presensya ng mga sundalong Amerikano.
Ayon kay Gabriela Rep. Emmi de Jesus, nakakatanggap sila ng ulat mula sa kanilang local chapters na ang mga mismong bugaw ang nagdadala ng mga babaeng tinatawag na “akyat barko†sa mga Kano kung saan naka-istasyon ang mga ito.
Ang mga babaeng akyat barko ay dinadala umano ng mga bugaw kung saan nakadaong ang barko ng US military para hindi na lalabas at mag-iikot sa iba’t ibang bar ang mga sundalong Kano.
Giit ni de Jesus, indikasyon na ito na magbabalik ang paglaganap ng prostitusyon sa oras na maumÂpisahan ang increased rotational presence ng pwersang Amerikano sa bansa salig sa Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA.
Dapat na umanong matuto ang Pilipinas sa nakalipas na karanasan noong panahong nandito na ang US military bases kung saan umabot sa 60 libong babae ang nasadlak sa prostitusyon.
Ito umano ang dulot ng EDCA sa lipunan kasama ang human trafficking, mga bisyo, sakit at krimen.