^

Bansa

Raymond bus sinuspinde ang operasyon

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi makakapasada ang ilang unit ng Raymond bus na nasangkot sa aksidente sa Tiaong Quezon kamakailan na ikinasawi ng dalawang pasahero nito.

Ito ay makaraang suspendehin ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ng 30 -araw ang ilang unit ng bus company bilang panimulang parusa sa kinasangkutang aksidente. Standard operation procedure na isailalim ng LTFRB sa 30 days suspension ang operasyon ng mga bus company kapag nasangkot sa aksidente sa lansangan lalupa’t may namatay.

Ayon kay LTFRB Chairperson Winston Ginez, sakop ng suspension order ang  limang unit ng Raymond bus na kabilang sa prangkisa ng unit ng bus company na naaksidente. Ito ay may rutang Camarines Sur sa Bicol papuntang Cubao , Quezon City  at vice versa.

Sa aksidenteng ito, nagkasagian ang isang unit ng Raymond bus at isang 10-wheeler truck sa diversion Road sa Barangay Lalig sa Bicol dahilan para mamatay ang dalawang pasahero ng naturang bus at 13 ang sugatan.

vuukle comment

BARANGAY LALIG

BICOL

BUS

CAMARINES SUR

CHAIRPERSON WINSTON GINEZ

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING REGULATORY BOARD

QUEZON CITY

RAYMOND

TIAONG QUEZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with