Atty. Gigi Reyes wala sa listahan

MANILA, Philippines - Kapuna-puna na wala sa listahan ng mga nakinabang sa pork barrel fund scam ang pangalan ng dating chief of staff ni Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile.

Kabilang si Enrile sa tatlong senador na una ng sinampahan ng reklamo ng Department of Justice  (DOJ) sa Ombudsman at napipintong maaresto dahil sa kasong plunder.

Matatandaan na base sa mga testimonya ng mga testigong humarap sa imbestigasyon ng pork barrel fund scam, si Reyes ang tumatanggap ng kickback ng PDAF ni Enrile.

Ito ang naging basehan sa pagsasampa ng kasong plunder kay Enrile sa Ombdusman.

Pero sa listahan ng mga sinasabing ahente ng PDAF, hindi kasama ang pangalan ni Reyes.

Ang tanging mga “agents” na nakalista ay sina Ruby Tuason, Bryan Yamsuan, Jen Corpuz, Mat Ranillo III, Pauline Labayen, Catherine Mae “Maya” Santos, Patricia “Gay” Agana Tan, Alen Ruste, at Mon Arcenas.

Show comments