MANILA, Philippines - Niyanig ng 6.3 magnitude na lindol ang bahagi ng Negros Occidental dakong alas-6:16 ng gabi ng Huwebes.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ang sentro ng lindol ay naitala sa layong 49 na kilometro sa timog kanluran ng Hinoba-an, Negros Occidental at may 10 kilometro ang lalim ng lupa at tectonic ang origin ng lindol.
Naramdaman ang lindol sa lakas na intensity 5 sa Hinoba-an, Negros Occidental, habang intensity 4 sa Iloilo City, Bago City, Pandan, Antique, Basay, Sipalay, Negros Occidental.
Sinasabing maraÂming residente doon ang nagulat at natakot sa naturang paglindol pero wala namang naiulat na napinsala ang naturang lindol sa mga tao man at sa mga ari arian.
Ayon sa PHIVOLCS ang lindol ay bunga ng paggalaw ng Negros trench.