^

Bansa

Ni-release na mga armas sa PNP sisiyasatin

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaiimbestigahan ng mga kongresista na dating opisyal ng pulisya ang umano’y paglilipat ng unit ng Philippine National Police (PNP) ng daan-daang matataas na kalibre ng baril sa ilang pribadong grupo.

Sa House Resolution 772 nina Reps. Romeo Acop (Antipolo), Samuel Pagdilao, (ACT-CIS) at Leopoldo Bataoil (Panga­sinan), hiniling ng mga ito sa House Committee on Public Order and Safety na alamin kung ano ang implikas­yon na nag-release ang isang unit ng PNP ng matataas na kalibre ng baril sa police auxiliaries at pribadong security agencies.

Ito ay matapos na ibunyag mismo ni Pangu­long Aquino na 900 matataas na kalibre ng baril ang pinakawalan ng PNP sa ilang grupo tulad ng AK47 at M16 assault rifle.

Napuna din ng Pangu­lo na labis ang hakbang ng PNP at mukhang hindi nababagay sa mga recipients ang naibigay na baril sa mga ito.

Giit ni Acop, lubhang nakakabahala ito lalo na at pinalalakas naman ng gobyerno ang kampanya nito laban sa loose firearms sa pamamagitan ng Oplan Katok.

 

vuukle comment

HOUSE COMMITTEE

LEOPOLDO BATAOIL

OPLAN KATOK

PANGU

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PUBLIC ORDER AND SAFETY

ROMEO ACOP

SA HOUSE RESOLUTION

SAMUEL PAGDILAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with