OFWs pinayuhang magpabakuna vs polio

MANILA, Philippines - Pinayuhan ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang mga overseas Filipino workers na tutungong ibayong dagat na magpabakuna muna laban sa polio bago tuluyang lumabas ng bansa.

Ang payo ni POEA administrator Hans Leo Cacdac ay bunsod nang napaulat na polio outbreak sa 10 bansa. Kabilang sa mga naturang bansa na nakapagtala ng polio cases ay Pakistan, Cameroon, Syria, Afghanistan, Equatorial Guinea, Ethiopia, Iraq, Israel, Somalia at Nigeria.

Maaaring magpabakuna ang mga OFW sa mga pagamutan at mga klinika na accredited ng Department of Health.

 

Show comments