'Pinas pumalag sa reclamation ng China sa Spratlys
MANILA, Philippines — Nagprotesta ang Pilipinas matapos matuklasang may ginagawang reclamation project ang Tsina sa pinag-aagawang bahagi ng West Philippine Sea, ngunit iginiit ng Chinese government na wala silang nilalabag na kasunduan.
Sinabi ni Foreign Secretary Albert del Rosario sa Associated Press na nagprotesta sila matapos ang kanilang surveillance at makumpirmang may ginagawang reclamation ang Tsina sa Johnson Reef sa Spartly Islands.
Hindi naman makumpirma ng Department of Foreign Affairs kung ano ang gagawin ng Tsina sa teritoryong parte ng probinsiya ng Palawan.
Depensa ng Tsina ay wala silang ginagawang mali dahil parte ito ng kanilang teritoryo.
Isa sa mga hinala ng DFA ay magbubuo ng airstrip ang Tsina, habang ang isang opisyal ng giant nation ay nagsabing off-shore military base ang gagawin.
"We're not exactly sure what are their intentions there," wika ni Del Rosario.
Hindi ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng alitan ang dalawang bansa dahil sa pinag-aagawang teritoryo.
- Latest