MANILA, Philippines - Dapat na mag-ingat ang publiko sa personal na agenda ni dating Senador Panfilo Lacson sa pagbubunyag sa mga pangalan ng mga mambabatas na sangkot sa pork barrel scam.
Ayon kay House Speaker Feliciano Belmonte Jr. at Vice-president ng Liberal party (LP), mistulang may personal agenda, sariling plano at sariling laro si Lacson sa pagsasapubliko sa “Napolistâ€.
Paliwanag ni Belmonte, ipinasubpoena na ng SeÂnate Blue Ribbon Committee si Justice Secretary Leila de Lima at dapat na munang hintayin ang aksyon dito ng Senado at huwag pangunahan.
Nagpahayag na rin naman si Lacson ng kahandaan na haharap sa pagdinig sa oras na maipatawag ng Senado upang masuri ang listahan at makita kung may pagkakaiba sa listahan na hawak niya at ang kay Sec.De Lima.
Maging ang ibang miyembro ng mayorya na sina Misamis Occidental Rep. Jorge Almonte at Quezon City Rep. Bolet Banal ay sang-ayon na ipaubaya na lamang sa senado ang pagbusisi sa Napolist.
Samantala, inakusahan naman ni Navotas Rep. Toby Tiangco, si Pangulong Aquino ng cover-up dahil sa pagwawalang bahala nito laban sa kanyang mga kaalyado na kasama sa listahan ni Napoles.