Ping magpapa-sex change - Miriam
MANILA, Philippines - Binuweltahan kahapon ni Senator Miriam Defensor-Santiago si rehabilitation czar Panfilo “Ping†Lacson na balak umanong sumailalim sa “gender change operation†matapos ibunyag ng dating senador na kasama ang pangalan niya sa listahan ni Janet Lim-Napoles na diumano’y tumanggap ng kickbacks mula sa kanilang Priority Development Assistance Fund.
Ayon kay Santiago, kahit naman sino ay maaaring gumawa ng listahan at may nakarating sa kanyang impormasyon na tungkol sa listahan na may pamagat na “Closeted gays or bisexuals in public serviceâ€.
Muli ring tinawag na “Pinky Lacson†ni Santiago ang dating kasamahan sa Senado na kabilang umano sa nasabing listahan ng mga “closeted gays or bisexuals in public serviceâ€.
Sinabi pa ni Santiago na mayroon ding affidavit na bagaman at walang lagda ay kumakalat sa Metro Manila na nagsasabing maghahain ng leave of absence si “Pinky Lacson†upang magbakasyon sa Malacañang at magtungo sa isang remote clinic sa United States upang sumailalim sa sex change o pagpapabago ng kasarian.
Samantala, itinanggi ni Santiago na nagkaroon siya ng transaksiyon kay Napoles at hindi aniya maaaÂring gamiting ebidensiya ang sinasabing listahan na walang lagda.
Muling tinawag ni Santiago na ‘attack dog’ ni SeÂnate Minority Leader Juan Ponce Enrile si Lacson kaya isinama ang kanyang pangalan sa sinasabing listahan ni Napoles.
Sa panig naman ni Lacson ay sinabi nito na hindi siya bakla. Sa text message niya, hindi umano niya gustong ma-offend ang mga gays sa buong mundo pero wala umano siyang balak na maging bading.
- Latest