^

Bansa

NFA administrator Calayag, nag-resign!

Angie dela Cruz at Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagbitiw na sa kaniyang pwesto si National Food Authority (NFA) Administrator Orlan Calayag.

Sinasabing nagpasya itong lisanin ang posisyon upang magkaroon ng free hand si Secretary Kiko Pangilinan  na  bagong  talagang Presidential Assistant for Food Security and Agricultural Moder­nization (PAFSAM) na pangasiwaan ang NFA hinggil sa pagkakaroon ng sapat na suplay ng pagkain sa bansa.

Si Calayag ang siyang nanguna sa paghabol at unti-unting pagpapatigil sa rampant rice smuggling sa bansa.

Pinasalamatan ni Calayag si Pangilinan at Agriculture Sec. Proceso Alcala sa tiwalang ibinigay sa kanya para tulungan ang mga mangingisda at magsasaka sa bansa.

Tiniyak din ni Calayag na tinatrabaho na niya ngayon ang pagkakaroon ng ‘smooth transition’ sa liderato ng NFA.

Samantala, kinumpirma ni agriculture czar Sec. Francis Pangilinan na nagbitiw na rin sa kanyang puwesto si Philippine Coconut Authority Admi­nistrator Euclides Forbes.

Sinabi ni Sec. Pangi­linan, hihintayin na lamang niya ang aksyon ni Pangulong Benigno Aquino III sa pagbibitiw ng 2 administrador na kapwa mga presidential appointees.

 

ADMINISTRATOR ORLAN CALAYAG

AGRICULTURE SEC

CALAYAG

EUCLIDES FORBES

FOOD SECURITY AND AGRICULTURAL MODER

FRANCIS PANGILINAN

NATIONAL FOOD AUTHORITY

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PHILIPPINE COCONUT AUTHORITY ADMI

PRESIDENTIAL ASSISTANT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with