MANILA, Philippines - Hinala ng militanteng grupong Bayan na may direktang linya si Janet Lim-Napoles kay Pangulong Benigno Aquino III.
"Through his latest admission, Aquino has been sitting on possible evidence all this time, trying to protect his allies. His non-disclosure of the contents of the list points to a cynical agenda to spare his administration and preserve status quo," ani Renato Reyes Jr., lider ng Bayan.
Naglabas ng pahayag si Reyes matapos sabihin ni Aquino na nakita na niya ang ipinasa ni Napoles na listahan ng mga taong umano'y sangkot sa P10-bilyon pork barrel fund scam.
Inihayag ni Aquino na mukhang hindi nagkakatugma ang dalawang listahan.
Sinabi ni Reyes na mukhang may intensyon ang Pangulo na paguluhin ang usapin hinggil sa listahan ni Napoles ng mga sangkot sa kontrobersiya.
Aniya, ang pagkakaroon ng dalawang listahan ay hindi nalalayo sa "tale of two tapes" sa "Hello, Garci" scandal noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
"Like Arroyo, Aquino wants to confusethe public and justify not releasing the damning Napoles list," ani Reyes.
Ayon kay Reyes, magpipiket ang kanyang grupo sa harap ng tanggapan ng Department of Justice sa Martes bilang pagpapakita ng protesta sa paraan ng paghawak ng adminstrasyon sa kontrobersiya na kinasasangkutan ng maraming mambabatas at opisyal ng gobyerno.