^

Bansa

Isyu sa China idudulog ni PNoy sa ASEAN

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tumulak na kahapon patungong Myanmar si Pangulong Aquino upang dumalo sa 24th Summit ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Lulan ang Pangulo ng Philippine Airlines Flight PR 001 at dumating sa Nay Pyi Taw International Airport pasado alas-3 ng hapon.

Bago umalis ng bansa, inihayag ng Pangulo na idudulog niya ang ginagawang pang-aagaw ng teritoryo ng China. 

Kabilang sa 56-member delegation sina House Speaker Feliciano Belmonte, Finance Sec. Cesar Purisima, Press Secretary Herminio Coloma, Presidential Management Staff Chief Julia Andrea Abad at Mindanao Development Authority Chairperson Luwalhati Antonino.

Nauna ng umalis sa bansa sina Foreign Affairs Sec. Albert del Rosario at Trade Sec. Gregory Domingo.

Isusulong din ng Pa­ngulo ang pagkakaisa ng mga bansang kasapi ng ASEAN. Naniniwala ito na mas mapapabilis ang pagresolba sa mga suliraning kinakaharap ng ASEAN kung may maigting na kooperasyon ang mga kasaping bansa.

Personal din niyang pasasalamatan ang mga kalapit bansa ng Pilipinas na tumulong sa mga na­ging biktima ng bagyong Yolanda.

Idudulog din umano ng Pangulo sa nasabing summit ang problema ng climate change, koo­perasyon ng mga bansa laban sa human trafficking at rule of law sa rehiyon.

Naglaan ang gobyerno ng P6.8 milyon para sa transportasyon, accommodation, food, equipment at iba pang kakailanganin ng Pangulo at ng kanyang delegasyon sa dalawang araw na ASEAN meeting. (Malou Escudero/Butch Quejada)

ASSOCIATION OF SOUTHEAST ASIAN NATIONS

BUTCH QUEJADA

CESAR PURISIMA

FINANCE SEC

FOREIGN AFFAIRS SEC

GREGORY DOMINGO

HOUSE SPEAKER FELICIANO BELMONTE

MALOU ESCUDERO

PANGULO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with