MANILA, Philippines - Dapat na ibalik ng mga lumalahok sa Santacruzan ang tunay na diwa nito at alalahaÂning hindi ito isang beauty pageant.
Ito ang panawagan ni Cubao Bishop Honesto Ongtico at Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Youth sa mga kabataan na lumalahok sa “Flores de Mayoâ€.
Nanawagan si Bishop Ongtioco sa mga nagsasagawa ng Santacruzan na huwag kalimutan ang tunay na diwa nito para sa pananampalatayang Katoliko at pagdedebosÂyon kay Maria.
Pinaalalahanan ng Obispo ang mga miyemÂbro ng third sex na igalang ang diwa ng Santacruzan kung saan si Reyna Elena ay isang ina na dapat gumanap sa katauhan nito ay isang babae.
Ayon naman kay CBCP-Episcopal Commission on Youth executive secretary Father Kunegundo Garganta, dapat malaman ng mga kabataan na ang Santacruzan ay hindi lamang para pumarada sa mga kalsada na may magarang kasuotan at pisikal na kagandahan ngunit higit na nagpapaalala ito ng ating debosyon at pagkilala kay birheng Maria, ang ina ng ating Panginoong Hesus.
Umaasa si Fr. Garganta na mas magiging malalim ang interpretasyon ng mga kabataan sa tunay na layunin ng Flores de Mayo at hinimok nito ang mga tagapamahala ng mga parokya na gaÂbayan ang kanilang mga parokyano sa pagsasagawa ng naturang aktibidad.