MANILA, Philippines - Upang mas mapagsilbihan ng mabilis at maaÂyos ang mga dayuhang nasa malalayong lalawigan, nagkasundo ang Bureau of Immigration at ang Robinsons Land Corp. (RLC) para magkaroon ng sangay sa lahat ng Robinsons Malls sa buong bansa.
Batay sa isang meÂmorandum of agreement (MOA) na pinirmahan nina BI Commissioner Siegfred Mison at RLC President and COO Frederick Go, ang BI extension office ay rent-free arrangement sa lahat ng 28 malls ng RoÂbinsons Mall mula Metro Manila hanggang Visayas at Mindanao.
Ayon kay Go, sila ang magbibigay ng espasyo sa mga malls para gawing opisina at walang gastos kahit singko ang BI kasama na ang mga electrical connections, floor tiles, internet, centralize air conditioning, at telephone line pati na karatula o signages.
Paliwanang ni Go, ang BI satellite offices ay mula sa kanilang programang “Lingkod Pinoy Center†na mag-bubukas ng alas-8 ng umaga hanggang alas-6 mula Lunes hanggang Linggo pwera lang ‘pag holiday.
Ayon naman kay Mison, ang mga turista at dayuhan ay pwedeng mag-transak ng kanilang mga papeles o travel documents tulad ng extension of temporary visitor’s visa, payment of annual report, dual citizenship at marami pang iba na tulad sa BI main office sa Maynila.
Makakatipid din sa gastusin ang BI dahil sa bill lamang ng kuryente, internet connection at telepono ang babayaran ng ahensya at hindi ang mall spaces na halos umaabot ng P20 milyon kada buwan.