MANILA, Philippines - Binalewala ng Pilipinas ang demand ng China na agad palayain ang 11 Chinese fishermen na nahulihan ng daan-daang pawikan sa pinag-aagawang teritoryo sa Spratly Group of Islands sa West Philippine Sea.
Iginiit ng Department of Foreign Affairs (DFA) na tuloy ang kaso at hahaÂyaan na ang hustisya ang mamayani sa pagkakadakip sa 11 Tsino na illegal na naÂngingisda sa karagatang sakop ng Pilipinas at may kargang 700 pawikan sa Hasa-Hasa Shoal (Half Moon shoal) sa Spratlys.
Bukod dito, isa pang bangkang pangisda ang kinumpiska at dinakip ang limang mangingisdang Pinoy matapos na makitaan ng 70 pawikan sa kanilang bangka.
Sa unang statement ng DFA, sinabi na tatratuhin nang makatao ang mga dinakip na maÂngingisda at bibilisan ang proseso ng pagsasampa sa kanila ng kaso.
Sabi ng Philippine National Police na ginagawa lamang nila ang kanilang tungkulin sa pagkumpiska sa bangkang pangisda ng mga Tsino at sa pag-aresto sa kanila may ilang kilometro ang layo sa Balabac town sa Palawan.
Giit naman ng Chinese Embassy na “premeditaÂted†o sinadya ng Pilipinas na arestuhin ang mga Chinese fishermen upang lalong tumaas ang tension sa South China Sea o WPS sa kasagsagan ng ginagawang Balikatan exercises sa pagitan ng mga sundalong Amerikano at Armed Forces of the Philippines.
“This provocative action is premeditated in an attempt to create tensions, and severely violates China’s sovereignty and maritime rights,†ayon sa Chinese Embassy.
Agad na nagprotesta ang China at hiniling sa Pilipinas na agad na palayain ang mga mangiÂngisdang Tsino
Iginiit din ng China ang kanilang “indisputed sovereignty†at pag-aari nila ang Nansha, ang Chinese name ng Spratlys kung saan matatagpuan ang Ban Yue Reef o Hasa-Hasa Shoal.
Inaasahan na maisasampa ang kaso laban sa 11 Chinese fishermen kahapon matapos silang dalhin ng PNP Maritime Group sa Puerto Princesa, Palawan dahil sa paglabag sa Wildlife Act ng Pilipinas.