MANILA, Philippines - Muling bibigyang ningÂning ang Sining at Kultura sa Siyudad ng Malabon sa pagbubukas ng Artes de Paseo Gallery na matatagpuan sa Gov. W. Pascual Avenue, Brgy. Catmon, Malabon City sa May 10, Sabado, sa ganap na 11:00 ng umaga.
Tampok sa naturang Galleria ang art exhibit na “Sining at Kultura, mga obra at gawa ng mga Visual ArÂtists ng Malabon’.
Pinagmamalaki sa naturang exhbit ang mga home grown visual artists’ tulad nina Angel Cacnio, August Santiago, Ernie Patricio, Rolly Ortega, Domingo Santos, Allan Tuazon, Eric Mercado, Ronald Ventura at Ferdinand Cacnio na nagbigay ng karangalan sa siyudad sa pamamagitan ng mga natamong parangal.
Ayon kay August Santiago, isang artist at chairman ng Art Association of Malabon, nagpapasalamat sila sa suporta ng National Commission for Culture and the Arts Director for Visual Arts Nemesio Miranda, MalaÂbon City TouÂrism, Cultural Affairs Officer in Charge Ms. Pastora H. Ursal at City Mayor Antolin A. Oreta III sa pagsusulong ng sining at kultura sa siyudad ng Malabon bilang “Center for the Artsâ€.
Ang Artes de Paseo Gallery ang magiging bagong tahanan ng sining upang dito ganapin ang mga exhbits, art workshops/seminars at educational tours.