^

Bansa

‘Artes de Paseo Gallery’ bubuksan sa May 10

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muling bibigyang ning­ning ang Sining at Kultura sa Siyudad ng Malabon sa pagbubukas ng Artes de Paseo Gallery na matatagpuan sa Gov. W. Pascual Avenue, Brgy. Catmon, Malabon City sa May 10, Sabado, sa ganap na 11:00 ng umaga.

Tampok sa naturang Galleria ang art exhibit na “Sining at Kultura, mga obra at gawa ng mga Visual Ar­tists ng Malabon’.

Pinagmamalaki sa naturang exhbit ang mga  home grown visual artists’ tulad nina Angel Cacnio, August Santiago, Ernie Patricio, Rolly Ortega, Domingo Santos, Allan Tuazon, Eric Mercado, Ronald Ventura at Ferdinand Cacnio                                                                                                                                           na nagbigay ng karangalan sa siyudad sa pamamagitan ng mga natamong parangal.

Ayon kay August Santiago, isang artist at chairman ng Art Association of Malabon, nagpapasalamat sila sa suporta ng National Commission for Culture and the Arts Director for Visual Arts Nemesio Miranda, Mala­bon City Tou­rism, Cultural Affairs Officer in Charge Ms. Pastora H. Ursal at City Mayor Antolin A.  Oreta III sa pagsusulong ng sining at kultura sa siyudad ng Malabon bilang  “Center for the Arts”.

Ang Artes de Paseo Gallery ang magiging bagong tahanan ng sining upang dito ganapin ang mga exhbits, art workshops/seminars at educational tours.

vuukle comment

ALLAN TUAZON

ANG ARTES

ANGEL CACNIO

ART ASSOCIATION OF MALABON

AUGUST SANTIAGO

CITY MAYOR ANTOLIN A

CITY TOU

MALABON

PASEO GALLERY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with