MANILA, Philippines - Hihilingin ni Sen. Chiz Escudero kay Rehabilitation Czar Panfilo Lacson na pangalanan nito ang dalaÂwang miyembro ng Gabinete ni Pangulong Aquino na nagiging sanhi ng pagtagal ng rehabilitasyon sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda.
Sa isang press conference kahapon, sinabi ni EscuÂdero, chairman ng Senate Committee on Finance na mas mabuting tukuyin ni Lacson ang dalaÂwang opisÂyal kaysa itago na naman ang mga ito sa paÂmaÂmaÂgitan ng blind item.
Bagaman at walang kaugnayan sa isyu ng bagÂyong Yolanda, matatandaan na hindi rin pinangaÂlanan ni Lacson ang mga senador at iba pang opisÂyal na sangkot sa pork barrel fund scam na nasa listahang ibinigay sa kanya ng asawa ni Janet Lim-Napoles.
Naniniwala si Escudero na dapat lamang malaman ng mga mamamayan kung sino ang dalawang miyembro ng Gabinete na binabanggit ni Lacson na nagpapasakit ng kanyang ulo at hindi nakikipagÂtuÂlungan sa kanya.
Tanging si DPWH Sec. Rogelio Singson pa lang ang nagsusumite ng cluster habang kasama sa mga hindi pa nagsusumite ang cluster ni DSWD Dinky SolimanÂ.