MANILA, Philippines - Hindi makatulog at halos tulala umano ang sumukong model na si Deniece Cornejo sa kanyang selda sa Camp Crame.
Ayon sa report, nakatitig na lamang sa kisame si Cornejo habang nasa plywood nitong higaan sa 20 metriko kuwadradong selda sa PNP-Criminal Investigation and Detection Group.
Kahati ni Deniece sa selda ang nasa 10 pang presong babae at iisa lamang ang comfort room ng mga ito.
Ayon sa mga guwardiya ng piitan, sa kaniyang ikalawang gabi ay nakita nilang halos hindi natutulog si Deniece.
Nang matanong sa pagiging tulala ni Deniece sinabi ni Supt. Emma Trinidad, officer-in-charge ng Women and Children Protection Unit, gaya rin ng iba pang preso ay maaring dumanas ng shock, trauma at matinding depresyon ang modelo.
Sabi ni Trinidad, tulad ng isang ordinaryong preso ang kanilang pagtrato kay Cornejo.
Gaya ng iba pang detainees, ang visiting hours ni Cornejo ay mula ala-1 hanggang alas-5 ng hapon tuwing Lunes at Biyernes at alas-9 hanggang als-5 naman tuwing Sabado at bawal ang bisita kapag Linggo.
Mananatili si Deniece sa nasabing piitan hanggang hindi nadedesisyunan ng korte ang isinampa ng mga itong mosyon na sa Camp Crame na lamang ito ikalaboso.