Pacquiao, ipinadideklarang national treasure

MANILA, Philippines - Nais  ni Manila Rep. Amado Bagatsing na ideklarang national treasure of the Philippines si Sarangani Rep. Manny Pacquiao.

Sa House Resolution 1066, sinabi ni Bagatsing na naipakita ni Pacman ang karangalan at pagbangon mula sa pagkakalugmok kahit natalo rin ito sa kanyang naging laban.

Ang kanyang pagiging mapagkumbaba ay nagsilbing inspirasyon hindi lamang sa mga Pilipino kundi maging sa dayuhan.

Nakatulong din si Pacman na mailagay ang Pilipinas sa mapa at maipakilala ang bansa sa mundo lalo na sa larangan ng turismo at palaro, bukod pa ang katangi-tangi niyang ugali na nanalo ng walong boxing weight division.

Matatandaan na muling nakuha ni Pacquiao ang titulong World Boxing Organization (WBO) welterweight mula sa Amerikanong si Timothy Bradley Jr sa unanimous 12 round decision sa Las Vegas noong Abril 13, 2014.

 

Show comments