^

Bansa

Napoles lalabas na sa OSMAK

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hinihintay na lamang ng kampo ng tinaguriang reyna ng pork barrel scam na si Janet Lim Napoles ang discharge order nito para tuluyang lumabas mula sa Ospital ng Makati (OSMAK).

Sinabi ng abogado ni Napoles  na si Atty. Bruce Rivera, hinihintay lamang nila ang discharge order mula sa pamunuan ng pagamutan.

Ayon kay  Rivera, sa ngayon ay nasa stage of recovery na si Napoles at nakakaupo na ito bagama’t may nararamdaman pa rin itong bahagyang pagkirot ng kanyang tahi.

Base sa pinakahuling progress report ng OSMAK na isinumite noong nakaraang linggo sa Makati  City Regional Trial Court  Branch 150, kaugnay sa medical condition ni Napoles, sinasabing wala namang nakitang anumang komplikasyon sa operasyon at anumang araw at sa lalong madaling panahon ay maari nang i-discharge ito bagama’t walang pang itinakdang eksaktong petsa.

May iilan na lamang umanong test ang kailangan gawin kay Napoles tulad ng blood sugar nito at  maari na itong ibalik sa kanyang kulungan sa  Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa Laguna.

Matatandaan, na si  Napoles ay inoperahan  noong Abril 23 dahil sa nakitang bukol sa kanyang matris.

 

vuukle comment

ABRIL

AYON

BRUCE RIVERA

CITY REGIONAL TRIAL COURT

DOMINGO

FORT STO

JANET LIM NAPOLES

MAKATI

NAPOLES

ROSA LAGUNA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with