Mindoro nilindol

MANILA, Philippines - Niyanig ng lindol na may lakas na 3.0 magnitude ang Occidental Mindoro kahapon ng umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcano­logy and Seismology (Phivolcs), naramdaman ang pagyanig sa silangan ng Paluan, Occidental Mindoro dakong 9:19 ng uma­ga.

Ang origin ng lindol ay tectonic.

Wala naman iniulat na napinsala o inaasahang aftershocks sa naturang lindol.

Show comments