^

Bansa

3-5 military camps gagamitin ng US troops

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlo hanggang limang kampo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang ipapagamit sa US troops sa ilalim ng nilagdaang Enhance Defense Cooperation Agreement (EDCA).

Ayon kay Defense Undersec. Pio Lorenzo Batino, chairman ng negotiating team ng Defense panel, kabilang sa kampo ng AFP na ikinokonsidera ay ang Fort Magsaysay sa Palayan City, Nueva Ecija na punong himpilan ng Army’s 7th Infantry Division.

Ang nasabing kampo ay isang magandang venue dahil malawak ito at karaniwan ng dito ginagawa ang taunang Phl-US Balikatan joint military exercises.

Kasama rin ang Dingalan Bay na maaring ma­ging training ground para sa pagmamaniobra ng mga barko ng US Navy at ang Fort Magsaysay na malapit sa Scarborough Shoal.

Bagaman nauna nang napaulat ang Subic Bay na isa sa posibleng venue ay tumanggi muna ang opisyal na kumpirmahin kung kabilang ito sa mga napiling lugar.

Ang Subic, Zambales ang dating pinagtayuan ng base militar ng Estados Unidos hanggang sa magsilayas ang tropang Kano matapos na bumoto ang Senado noong 1991 kontra rito.

vuukle comment

ANG SUBIC

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

DEFENSE UNDERSEC

DINGALAN BAY

ENHANCE DEFENSE COOPERATION AGREEMENT

ESTADOS UNIDOS

FORT MAGSAYSAY

INFANTRY DIVISION

NUEVA ECIJA

PALAYAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with