MANILA, Philippines - Kung sino lamang ang mga opisyal ng pulisya na matitino, maganda ang rekord at umiiskor sa anti-criminality campaign ang bibigyan ng promosyon sa PNP.
Ayon kay Interior and Local Government Sec. Mar Roxas, paiiralin ang ‘meritocracy system’ na siyang tuluyang tutuldok sa palakasan system sa organisasyon.
“Hindi na puwede yung dati na dadating sa akin yung Curriculum Vitae na lahat lang ng inyong training, lahat ng inyong karanasan, lahat ng inyong posting, yun lang ang nakikita. Pero hindi nakikita kung ano ang nangyari sa inyong lugar na pinamahalaan noong kapanahunan ninyo,†pahayag ni Roxas sa pagbisita nito sa himpilan ng Nueva Ecija Provincial Police Office.
Inatasan ni Roxas si Deputy Director General Felipe Rojas, PNP Deputy Chief for Administration na obligahin ang lahat ng police officers para mag-apply sa promosyon at posisyon na isama ang kanilang curriculum vitae.
Gayundin ang mga nagawa ng mga ito sa anti-curriculum vitae sa kanilang huling assignments o destino.
Ipinasusuri rin ni RoÂxas kay Rojas ang application papers para sa promosyon at assignment ng mga opisyal upang matiyak na hindi dinoktor ang kanilang mga track record.
“I do not want a promotion system based on seniority or merely on the call of PNPA or PMA graduates. Promotions must always be merit-based,†paliwanag pa ni Roxas.