12-M Pinoy tambay!

MANILA, Philippines - May kabuuang 12-milyong Pinoy sa bansa ang walang trabaho, tambay sa kanto o jobless sa kasalukuyan.

Base sa 2014 report ng International Labor Organization (ILO), ang Pi­li­pinas ang may pina­kamataas na unemployment rate sa lahat ng bansang kasapi Asso­ciation of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Naitala ng ILO na ang mga walang trabaho o mga ‘nagbibilang ng poste’ sa Pilipinas ay pumalo na sa 7.3 percent, base na rin Global Employment Trends.

Sumunod sa Pilipinas ang Indonesia na may 6 percent, Brunei 3.7%, Burma 3.5%, Malaysia 3.2%, Singapore 3.1%, Vietnam 1.9%, Laos 1.4%, Thailand 0.8% at Cambodia na may 0.3% unemployment rate.

Sa record ng ILO sinasabing, tumaas ng 5-milyon ang jobless ngayong taon kumpara noong 2013.

Karamihan sa mga walang trabaho ay may edad 18-25 na umaabot sa 53.3%, 25-34 ay 25% at 35-40 ay 17.7.

Kabilang sa mga walang trabaho sa kasalukuyan ay mga na-retrench, mga nag-resign sa kanilang hanap­buhay at first-time-job seekers.

 

Show comments