MANILA, Philippines - Nagbabala ang Sandiganbayan First Division na maaari nang payagan si Pampanga Rep. Gloria Arroyo na makapagpiyansa kung paÂtuloy na mabibigo ang prosekusyon na makapagharap ng testigo sa ginagawang pagdinig ng graft court hinggil sa kaso nitong plunder.
Sinabi ito ni First Division chairman Justice Efren dela Cruz nang muling hilingin ng prosekusyon na maipagpaliban ang presenÂtasyon ng mga saksi na tatayo laban sa naturang kaso ni dating Pangulong Arroyo.
Sinasabing bagamat tutol ang depensa sa hakbang ng prosekusyon pero pinagalitan at pinagsabihan sila ni Justice dela Cruz na kung walang maihaharap na testigo sa gagawing pagdinig sa darating na Miyerkules ay maaaring makapaghain na ng bail petition si Mrs. Arroyo.
Kapag pinayagang makapagpiyansa si Arroyo, maaari na itong makalabas sa pagkaka-hospital arrest sa VeteÂrans Memorial Hospital kung saan ito ngayon namamalagi habang diniÂdinig ng graft court ang naturang kaso.
Si Mrs. Arroyo at siyam na iba pa ay nahaharap sa kasong plunder dahil sa umano’y maanomalyang paglustay sa P360 million intelligence fund ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).