MANILA, Philippines - Pinakakasuhan ng Commission on Human Rights (CHR) ng administratibo, kriminal at sibil ang 13 kadete ng Philipine Military Academy (PMA) Honor Committee na humawak sa kaso ng tinanggal na kadeteng si Jeff Aldrin Cudia.
Kasabay nito, nais din ng CHR na baguhin ng PMA ang naging desisyon nito na tanggalin si Cudia.
Binigyang diin ng CHR na hindi naging makatarungan ang ginawang pagtanggal ng PMA kay Cudia dahil wala itong kasalanan at nakumpleto nito ang academic requirements sa akademya at napagkaisahan lamang umano ng Honor Committee.
Nilabag umano ng naturang komite at ng iba pang sangkot ang mismong Honor Code at secrecy of ballots.
Kinatigan naman ng CHR ang pahayag ni Cudia na unang may bumoto ng not guilty sa kaso niya at iginiit na nagsinungaling ang komite.
“Honor Committee violated Cudia’s rights to due process, non-discrimination, dignity, education, privacy and access to genuine justice. Cudia must be confirmed as full-fledged PMA graduate,†nakasaad sa rekomendasyon ng investigating panel ng CHR.