^

Bansa

13 kadete ng PMA sa Cudia case kasuhan - CHR

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinakakasuhan ng Commission on Human Rights (CHR) ng administratibo, kriminal at sibil ang 13 kadete ng Philipine Military Academy (PMA) Honor Committee na humawak sa kaso ng tinanggal na kadeteng si Jeff Aldrin Cudia.

Kasabay nito, nais din ng CHR na baguhin ng PMA ang naging desisyon nito na tanggalin si Cudia.

Binigyang diin ng CHR na hindi naging makatarungan ang ginawang pagtanggal ng PMA kay Cudia dahil wala itong kasalanan at nakumpleto nito ang academic requirements sa akademya at napagkaisahan lamang umano ng Honor Committee.

Nilabag umano ng naturang komite at ng iba pang sangkot ang mismong Honor Code at secrecy of ballots.

Kinatigan naman ng CHR ang pahayag ni Cudia na unang may bumoto ng not guilty sa kaso niya at iginiit na nagsinungaling ang komite.

“Honor Committee violated Cudia’s rights to due process, non-discrimination, dignity, education, privacy and access to genuine justice. Cudia must be confirmed as full-fledged PMA graduate,” nakasaad sa rekomendasyon ng investigating panel ng CHR.

BINIGYANG

CUDIA

HONOR CODE

HONOR COMMITTEE

HUMAN RIGHTS

JEFF ALDRIN CUDIA

KASABAY

KINATIGAN

NILABAG

PHILIPINE MILITARY ACADEMY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with