^

Bansa

Huling West Pointer binigyan ng star ang balikat

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inaprubahan na ni Pangulong Benigno Noynoy Aquino ang rekomendasyon ng Philippine National Police (PNP) na i-promote, bigyan ng star sa kanyang balikat o  Chief Superintendent si Napoleon Caballes Taas.

Si Taas ay na-promote bilang General ay siyang  hu­ling natitirang West Point graduate matapos na magretiro sa serbisyo si P/Director Eric Q. Javier, USMA Cl 77, noong 2012.

Posibleng si Taas na ang maging kahuli-hulihang West Pointer sa PNP dahil sa ngayon ang mga Filipino West Point graduates ay awtomatikong itinatalaga na sa Philippine Army.

Makaraang magtapos sa prestihiyosong US Military Academy noong 1984, sinimulan ni Taas ang kanyang military career sa pamamagitan nang pagsali sa PMA Maharlika Class of 1984 noong Abril, 1980.

Nagtungo si Taas sa West Point, New York noong Hunyo, 1980 upang ipagpatuloy ang kanyang cadetship sa USMA. Nanumpa siya sa tungkulin bilang 2nd Lieutenant sa Philippine Constabulary kay BGen. Angel Kanapi, Phil. Military Attache to the US at pagbalik sa bansa ay kaagad na sumapi sa Philippine Constabulary at ni-recruit ng elite Special Action Force (SAF).

Tumanggap ng ibat-ibang komendasyon, medalya at certificate of merit si Taas sa kanyang mga hinawakang sensitibong posisyon sa PNP at naging  tanyag at nagningning ang kanyang pangalan sa Manila Police District (MPD) o Manila’s Finest.

 

ANGEL KANAPI

CHIEF SUPERINTENDENT

DIRECTOR ERIC Q

FILIPINO WEST POINT

MAHARLIKA CLASS

MANILA POLICE DISTRICT

MILITARY ACADEMY

MILITARY ATTACHE

NAPOLEON CABALLES TAAS

PHILIPPINE CONSTABULARY

WEST POINT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with