MANILA, Philippines - Iginiit kahapon nina US President Barack Obama at Pangulong Benigno Aquino III na ayaw nila ng giyera kaugnay ng isyu sa West Philippine Sea sa China.
Nagkaisa sina Pres. Obama at Pangulong Aquino sa kanilang paÂninindiÂgan sa joint press conference nito sa MaÂlacañang kahapon na mas magandang resolbahin ang sigalot sa West Philippine Sea sa pamamagitan ng diplomatikong pamamaraan.
Ayon kay Pres. ObaÂma, tama ang ginawa ng gobyerno ni Pangulong Aquino na dalhin sa international arbitration ang usapin sa West Philippine Sea at resolbahin ito sa diplomatikong pamamaraan.
“Japan, SK, Malaysia and now the PHL, the message is the same - they would like to resolve these issues peacefully and diplomatically,†giit pa ng US president sa joint press conference sa Malacañang kasama si Pangulong Aquino.
Nasa Pilipinas si Obama para sa kanyang 2-day state visit at ang pinakahuling bansa sa Asya na kanyang dinalaw sa kanyang 4-country tour.
Idinagdag pa ni ObaÂma, dapat ay igalang at irespeto ng China ang international laws upang lalo itong makakuha ng mas malawak na pagkakaibigan sa Southeast Asian nations na kanyang kapitbahay.
Sinabi pa ni Obama, nakahanda ang Estados Unidos na tumulong upang mapayapang maresolba ang sigalot sa pagitan ng Pilipinas at China sa usapin ng West Philippine Sea.
“Our goal is simply to make sure that everyone is operating in a peaceful fashion. Really our message to China is we want to be a partner with you in upholding international law. I think that it is good for the region and the world if China is successfully developing, lifting more of its people out of poverty,†wika pa ni Obama.
Sa panig naman ni Pangulong Aquino, iginiit nitong nais ng Pilipinas na maresolba ang sigalot nito sa China sa usapin ng West Philippine Sea sa pamamagitan ng mapayapang paraan kaya dinala nila ang usapin sa international tribunal.
“We are not a threat militarily to any country, we don’t even have a single fighter aircraft in our inventory,†paliwanag pa ni PNoy.