NAIA isasara ng 2 oras para kay Obama

Darating si US President Barack Obama sakay ng Air Force One, isang Boeing VC-25A. U.S. Air Force File Photo.

MANILA, Philippines — Upang matiyak ang seguridad ng Pangulo ng Estados Unidos ay isasara ng dalawang oras ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong Lunes at bukas, ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Sinabi ng CAAP na sarado ang NAIA mula 12:30 ng tanghali hangggang 2:30 ng hapon para sa pagdating ni US President Barack Obama.

Ipatutupad din ang no-fly zone sa NAIA, Sangley sa Cavite, sa Lipa City, Batangas at sa San Ildefonso, Bulacan dagdag ng national aviation authority.

Kaugnay na balita: Obama darating ngayon!

Nagbabala rin ang CAAP sa posibleng pagkaantala ng mga commercial flights mula NAIA at mga papasok ng paliparan.

Mula Malaysia, darating si Obama sakay ng Air Force One, isang Boeing VC-25A na eroplano mula sa US Air Force.

Babalik ng Washington D.C. ang US president sa Martes.

Nakatakdang makipagpulong si Obama kay Pangulong Benigno Aquino III upang pag-usapan ang

Show comments