MANILA, Philippines - Maglalabas ng special commemorative stamps at souvenir sheets ngayon (Abril 27) ang Philippine Postal Corporation (PhlPost) na may mukha nina John XXIII at John Paul II, kasabay ng Canonization nila sa Vatican City.
Ayon kay Postmaster General Josie dela Cruz, pormal na ipiprisinta ang nasabing stamps at souvenir sheets kay Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle, na inisponsoran ng Jesuit Foundation at pamilya Araneta, na idaraos sa Smart Araneta Coliseum.
Unang pagkakataon umano ito na maglulunsad ang PhlPost ng ‘unique 3D, embossed’, gold foil stamping ng Postage Stamps sa halagang P200 kada piraso.
Mabibili na ang mga nasabing limited edition souvenir sheets at stamps na may mukha ng dalawa na nakatakdang gawing Santo sa Lunes (Abril 28), sa Post Shop at PhlPost Philatelic & Retail Division sa Manila Central Post Office Building, sa Liwasang Bonifacio.