^

Bansa

Commemorative stamps nina John Paul II, John XXIII ilalabas ngayon ng PhlPost

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Maglalabas ng special commemorative stamps at souvenir sheets ngayon (Abril 27) ang Philippine Postal Corporation (PhlPost) na may mukha nina John XXIII at John Paul II, kasabay ng Canonization nila sa Vatican City.

Ayon kay Postmaster General Josie dela Cruz, pormal na ipiprisinta ang nasabing stamps at souvenir sheets kay Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle, na inisponsoran ng Jesuit Foundation at pamilya Araneta, na idaraos sa Smart Araneta Coliseum.

Unang pagkakataon umano ito na maglulunsad ang PhlPost ng ‘unique 3D, embossed’, gold foil stamping ng Postage Stamps sa halagang P200 kada piraso.

Mabibili na ang mga nasabing limited edition souvenir sheets at stamps na may mukha ng dalawa na nakatakdang gawing Santo sa Lunes (Abril 28), sa Post Shop at PhlPost Philatelic & Retail Division sa Manila Central Post Office Building, sa Liwasang Bonifacio.

 

ABRIL

CARDINAL TAGLE

JESUIT FOUNDATION

JOHN PAUL

LIWASANG BONIFACIO

MANILA ARCHBISHOP LUIS ANTONIO G

MANILA CENTRAL POST OFFICE BUILDING

PHILIPPINE POSTAL CORPORATION

POST SHOP

POSTAGE STAMPS

POSTMASTER GENERAL JOSIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with