Cedric Lee, 1 pa timbog sa Samar!
MANILA, Philippines - Nadakip na ang paÂngunahing akusado sa pambubugbog sa actor at TV host na si Vhong Navarro ng pinagsanib na puwersa mula sa National Bureau of Investigation (NBI), Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) at local police sa lalawigan ng Samar, kahapon ng umaga.
Kinumpirma ni Justice Secretary Leila de Lima na bandang alas 11:15 ng umaga nitong Sabado nang tuluyang masakote sina Cedric Lee at kapwa akusadong si Simeon “Zimmer†Raz Jr. sa Oras, Eastern Samar.
“They hopped from one location to another, from Quezon to Bicol, to Sorsogon and then finally sa Eastern Samar. Nung una medyo nakapuslit pa at nakalipat at inabot na ng umaga bago nakorner na nga,†ani de Lima.
Inaasahang ibibiyahe ang dalawa pabalik sa Maynila at pansamantalang ikukulong sa NBI detention facility dahil weekend at sarado ang mga korte habang hinihintay ang commitment order mula sa Taguig court. Ang RTC Taguig anya ang magdedesisyon kung saan sila idedetine.
Simula pa umano alas 5:00 ng hapon nitong nakalipas na Biyernes nang tugisin ang dalawa sa pinagtataguang lugar sa Borongan, Samar hanggang sa makatakas. MuÂling sinuyod ang lugar hanggang sa magawi sa Dolores, Samar na inabot na ng gabi, kung saan unang napigilan ang driver ni Lee na hindi pa pinaÂngalanan.
Sa patuloy na operasÂyon ay natumbok din ang liblib na lugar sa Oras, Samar na tinakbuhan ng dalawa at doon sila nadakip.
Hinala ng mga awtoridad na may mga taong nagkakanlong sa dalawa at tumulong sa kanilang pagtatago.
Ang pagdakip ay kaugnay sa warrant of arrest na inisyu ni Judge Paz EzpeÂranza Cortes noong Abril 21, ng Taguig RTC Branch 271 sa kasong serious illegal detention na isang non-bailable offense kaya malabong sila ay pansaÂmantalang makalaya.
Pinayuhan naman ni de Lima ang iba pang akusado na sumuko na lamang upang hindi na mahirapan.
“Kung ako sa kanila magsurender na lang sila kasi makukuha din namin sila, kaya dapat na sumuko na lang sila dahil may iba pang team na naka-dispatch na nagta-track sa kanila,†ani de Lima patungkol sa iba pang akusado.
Patuloy pa rin namang tinutugis sina Deniece Cornejo, Jed Fernandez at Ferdinand Guerrero.
Una nang sinabi ni Atty. Elfren Meneses, hepe ng NBI-NCR na mas tinututukan nila ang paghahanap kay Lee dahil ito ang utak ng pambubugbog kay Navarro sa loob ng condo unit ng modelong si Cornejo noong Enero 22, 2014.
Abswelto sa serious illegal detention sina JP Calma at Bernice Lee, kapatid ni Cedric dahil sa kawalan umano ng proÂbable cause. Si Calma ay sinasabing nakalabas na ng bansa habang si Bernice ay naghain naman ng piyansa sa kasong grave coercion.
- Latest