^

Bansa

Oathtaking ng mga bagong abogado kanselado sa Obama visit

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinansela ng Korte Suprema ang isasagawang oathtaking ng mga nakapasa sa 2013 Bar Examinations dahil sa state visit ni US Pres. Barack Obama.

Ayon kay Atty. Theodore Te, hepe ng Supreme Court Public Information Office, sa halip na sa Abril 28 gagawin ang panunumpa, iniurong ito sa May 5, 2014, ganap na alas 2:00 ng hapon sa Philippine International Convention Center sa CCP Complex.

Ipinaliwanag ni Te na nagpasya ang Kataas-taasang Hukuman na baguhin ang araw ng panunumpa para bigyang daan ang mahigpit na seguridad kaugnay ng pagdating sa bansa ni Obama.

Ito ay para na rin umano sa kapakanan ng mga magulang, successful bar examinees, mga kawani at opisyal ng hukuman at mga mahistrado na maaapek­tuhan ng paghihigpit ng seguridad sa CCP Complex dahil sa pagdating ng pangulo ng Estados Unidos.

ABRIL

AYON

BAR EXAMINATIONS

BARACK OBAMA

ESTADOS UNIDOS

HUKUMAN

KORTE SUPREMA

PHILIPPINE INTERNATIONAL CONVENTION CENTER

SUPREME COURT PUBLIC INFORMATION OFFICE

THEODORE TE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with