MANILA, Philippines - Nanawagan si BaÂyan Muna Rep. Neri Colmenares kay Pangulong Aquino na magsagawa ng malawakang pagbalasa sa Commission on Audit dahil ito umano ang missing link kung bakit nakapagsagawa ng kahina-hinalang operasyon sa Priority Development Assistance Fund ang negosyanteng si Janet Napoles sa loob ng maraming taon nang walang sagabal.
“Bukod sa mga senador, kongresista, mga opisyal ng ahensiya/departamento, traders at middle men, dapat lamanin din ng affidavit ni Napoles ang kanyang mga kontak sa COA,†sabi ni Colmenares.
Ito anya ay dahil ang mahigit 10 taong operasyon ni Napoles ay napagtakpan at hindi nasisilip.
“Sa lawak ng anomalya sa PDAF, oras nang magsagawa ng malawakang pagbalasa sa COA. Isailalim ito sa mahigpit na pagmamanman at parusahan ang mga tiwaÂling opisyal at empleyado dahil, kung hindi, sino ang magbabantay sa mga taÂgapagbantay?†sabi pa ng mambabatas.
Sinabi pa ni Colmenares na dapat itigil na ni Napoles ang mungkahi niyang maging isa itong state witness. Tutukan na lang anya ni Napoles ang pagsasabi ng buong katotohanan sa kanyang operasyon at pakikialam sa pera ng sambayanan.