MANILA, Philippines - Inaasahang susunod nang babagsak sa batas sina dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Rosario Uriarte at daÂting board member Ma. Fatima Valdes na pawang wanted sa P366 milyong plunder case sa pondo ng ahensya.
Ayon kay PNP-Criminal Investigation and Detection Group Chief P/Director Benjamin Magalong, pinalakas pa ng kanilang tracking team ang pagtugis kina Uriarte at Valdes.
Ito’y kasunod ng pagkakaaresto kay dating Commission on Audit (COA) chairman Reynaldo Villar ng PNP-CIDG nitong Huwebes.
Sina Villar ay wanted sa kasong plunder na naisampa sa Sandiganbayan kasama si dating PaÂngulong Gloria Macapagal Arroyo kaugnay ng umano’y paglustay ng P366 M pondo ng PCSO.
Walang inirekomendang piyansa ang korte kapalit ng pansamantalang kalayaan ng mga akusado.
Kabilang pa sa mga kinasuhan sina Sergio Valencia, dating PCSO chairman of the board; Manuel Morato, Jose Taruc V, Raymundo Roquero, dating mga PCSO board; Benigno Aguas, dating PCSO budget officer; at Nilda Plaras, dating COA officer. Si Taruc V ay sumurender na sa PNP-CIDG nitong Marso.