^

Bansa

Vendor sa Bacoor market nagpasalamat kay Strike

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakakahinga na ng maluwag ngayon ang mga vendors ng Bacoor Public Market ilang buwan matapos itong itake-over ng pamahalaang lungsod mula sa pangangasiwa ng isang pribadong grupo sa loob ng tatlong taon.

Ayon sa Samahan ng Mangangalakal at Manininda ng Pamilihang Bayan ng Bacoor Inc., labis-labis ang kanilang pagpapa­salamat kay Mayor Strike Revilla dahil inaksyunan nito ang kanilang hinaing na palayasin ang pribadong grupo na nangangasiwa sa nabanggit na palengke.

Ang Bacoor Public Market ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng HDR Management Corporation na pag-aari ni Mrs. Flaviana “Vivian” Del Rosario bago ito tuluyang itake-over ng pamahalaang lungsod dahil sa sandamakmak na reklamo ng umanoy pang-aabuso sa mga vendors.

“May sariling batas at parang martial law ang ipinairal ni Vivian del Rosario sa palengke. Overprice ang kuryente at tubig, overprice din ang bawat pwesto, pero wala naman nangyaring improvement sa loob ng ilang taon, “ ayon kay Feliciana Sarmiento na pangulo ng samahan.

Si Vivian del Rosario ay kilalang tauhan ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa Malakanyang at sumabit na rin ang pangalan sa ilang isyu ng katiwalian.

Ngayong nasa pa­ngangalaga nang muli ng pamahalaang lungsod ang palengke, iginiit ng grupo ng mga vendors na naging payapa na ang sitwasyon sa Bacoor Public Market.  

 

ANG BACOOR PUBLIC MARKET

BACOOR INC

BACOOR PUBLIC MARKET

DEL ROSARIO

FELICIANA SARMIENTO

MANAGEMENT CORPORATION

MAYOR STRIKE REVILLA

MRS. FLAVIANA

PAMILIHANG BAYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with