Panukala ng solon: Citizens watch vs Customs
MANILA, Philippines - Inirekomenda ni Samar Rep. Mel Senen Sarmiento ang pagtatag ng isang third party monitong system na lalahukan ng mamamayan para magkaroon ng epektibo at transparent na mekanismo sa pagsugpo sa mga katiwalian at smuggling sa Bureau of Customs.
Ginawa ni Rep. Sarmiento ang panukala para lalong magtuloy-tuloy at lumakas ang mga repormang ginagawa ni Pangulong Benigno Aquino III sa BoC.
Ayon kay Sarmiento, ang pagbibigay ng kapangyarihan sa mamamayan sa pamamagitan ng isang third party monitoring system ay magpapalakas sa pagsisikap ng BoC na itaguyod ang transparency at magbigay ng mas magandang kalasag laban sa katiwalian na matagal nang problema sa kawanihan.
“Sa aking palagay, kung bubuo tayo ng isang mekanismo na magbibigay ng pagkakataon sa mamamayan na imonitor at tayahin ang gawain ng BoC, higit tayong magiging epektibo sa ating kampanya laban sa pagpupuslit at katiwalian,†sabi ng mambabatas. “Pagkaraan ng napakaraÂming taon ng katiwalian sa kawanihan na kahit isang clerk lang ay nakakabili na ng isang Porsche, sa tingin ko, ngayon lang tayo merong progreso sa pagtatanggal sa kawanihan ng mga iskalawag at misfit. Titiyakin ng third party monitoring system na ito ang mataas na antas ng transparency sa loob ng Customs.â€
Sinabi pa ng kongresista na ang multi-sectoral and inter-disciplinary “third party†ay maaaring buuin ng mga taong nagbuhat sa prestihiyosong civil society organization, akademya at relihiyosong organiÂsasyon. Magkakaroon ito ng papel bilang central advisory, compliance monitoring at oversight panel para sa BoC.
Makakatulong din anya ang “third party monitoring system†na ito para maibalik ang tiwala at kumpiyansa ng publiko sa BoC na nagkaroon ng reputasyon bilang isa sa pinakatiwaling ahensiya ng pamahalaan.
- Latest