MANILA, Philippines - Isang pambansang KumÂperensiya sa wika at panitikang Ilokano ang idaraos ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa Unversity of Northern Philippines, Vigan City, Ilocos Sur. Pinamagatang “Kur-it ken Kurditan,†naglalayon ang kumperensiya na maitampok ang wika at panitikang Ilokano.
Itataguyod ng KWF sa pakikipagtulungan sa Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (NCCA), sa Gunglo dagiti Mannurat nga Ilokano iti Filipinas (GUMIL Filipinas), sa Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL), sa University of Northern Philippines (UNP), at sa Kagawaran ng Edukasyon (DepED).
“Napakasigasig ng mga Ilokano sa pagpapayaman ng kanilang kultura at wika,†ani Pambansang Alagad ng Sining Virgilio S. Almario,.
“Sang-ayon sa bagong direksiyon ng KWF, ang KomiÂsyon at aktibo sa paglilibot sa iba’t ibang rehiyon sa bansa para alamin at tumulong sa paglutas ng mga suliranin at mga isyung pangwika,†paliwanag pa ni KWF Komisyoner Purificacion Delima na kumakatawan sa wikang Ilokano,
Mga propesor, manunulat, at lingguwistang Ilokano ang tatalakay sa apat na sesÂyon ng kumperensiya ukol sa ortograpiyang Ilokano at ortographiyang pambansa, pagbuo ng learning materials sa panitikang Ilokano, at sa ugnayan ng panitikang Ilokano at panitikang pambansa. Ang bawat sesyon ay magkakaroon ng isang tagapanayam at mga panelist na magbibigay ng reaksiyon sa mga ito.
Tampok din ang pagtatanghal pangkultura ng dallot, sala, bukanegan, at danirak ng Ilokos kung saan maglulunsad ng libro tungkol sa buhay at mga akda ni Mena Pecson Crisologo na itinuturing na pinakamahusay na dramatistang Ilokano.
Magbibigay ng bating pagtanggap sina Eva Marie Media, punong- Vigan City; Dr. Gilbert Arce, pangulo ng University of Northern Philippines; at Pambansang Alagad ng Sining Virgilio S. Almario, pangulo ng KWF habang sina Arthur Urata Sr., pangulo ng GUMIL Filipinas; at Karina Bolasco, pangulo ng UMPL ang magbibigay ng pampinid na pananalita.
Idaraos ang kumperensiya sa Abril 25-27, 2014. Para sa mga katanungan, maaring makipag-ugnayan kay Direktor Ariel S. Tabag sa celpon # 0947 840 9844