Isko sa truckers: ‘Hindi kayo pinag-iinitan’

MANILA, Philippines - Tahasang sinabi ni  Manila Vice Mayor Isko Moreno na hindi niya pinag-iinitan ang  mga truckers  na  bumibiyahe sa lungsod.

Ayon kay Moreno, hangga’t sumusunod ang mga truckers sa ordinansa ng Maynila malaya ang mga ito na maka­paghanapbuhay ng hindi kinikikilan at kinokotongan.

Aniya, layunin ng  pamahalaang lungsod na ayusin  ang  trapiko at mabigyan ng  kaluwagan at kaayusan ang bawat Manilenyo.

“Manilans deserves better things to the city government’, ani Moreno.

Payo ni  Moreno,  sundin lamang ng mga truckers ang batas trapiko  upang  hindi maabala at hulihin. Hindi rin umano nagpapahinga  ang mga opisyal ng  city government upang mapabuti ang  kondisyon  ng Maynila at maayos ang pamumuhay ng  Manilenyo.

Show comments