MANILA, Philippines - Inamin ng Malacañang na may basbas mismo ni Pangulong Benigno Aquino III ang pagpunta ni Secretary to the Cabinet Rene Almendras sa Hong Kong kung saan ay nakipagpulong pa ito kay Manila Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada.
Sinabi ni PCOO Sec. Herminio Coloma Jr. sa media briefing, nagtungo kamakalawa ng gabi si Sec. Almendras sa Hong Kong bilang kinatawan ng gobyernong Aquino upang ayusin ang anumang hindi pagkakaunawaan hinggil sa 2010 Manila hostage incident.
Naunang nagtungo kamakalawa si Mayor Estrada sa HK kung saan ay sinabi nitong hihingi siya ng apoÂlogy bilang kinatawan ng Manila City government sa nangyari sa Manila hostage noong 2010 kung saan ay 8 HK nationals ang nasawi.
Ayon kay Coloma, puspusan ang pagsisikap ng gobyerno na matamo ang closure sa nangyari sa 2010 Manila hostage incident at magkaroon ng mutually satisfactory conclusion ito.
Kaugnay nito ay inalis na ng Hong Kong ang travel ban sa mga OFW at iba pang sunction na ipinataw ng nasabing bansa makaraang maging ‘mabunga’ ang pakikipagpulong at paghingi ng paumanhin ni Mayor Estrada sa mga opisyal ng nasabing bansa dahil sa naganap na Manila hostage drama noong 2010.